Ika-unang hakbang ng isang dayuhang kayumanggi…

Sa totoo lang, pina-remix ko lang ang pinakaunang entry ko rito para sa pagbubukas muli ng aking blog sa bagong anyo at hitsura. 

Ilan sa mga kinahihiligan ngayon ay ang sine, musika at pati anime.  Pawang lahat ng mga kinagugustuhan kong pelikula’t tunog ko na nga, puro banyaga naman. Iilan-ilan ko lang mga OPM bands na okey sa akin…Radioactive Sago Project, Up Dharma Down at pati ang Sandwich (noong kapanahunan ng “Artoo Deetoo”).  Naging kaklase ko nga ang bahista ng Sandwich na si Myrene noong grade 2-3 pa ako (doon rin naging kaklase ko rin si Miguel Ortigas, dating drummer sa Razorback at drt).  

Kung pelikula ang uusapin, aba, maraming ako natututo noong kabataan pa ako nang dahil sa lumang Betamax sa bahay namin sa Sampaloc.  Doon napapanood ko ang mga sikat ng komedya ni Mel Brooks katulad ng Blazing Saddles, History of the World Pt. 1, Young Frankenstein at pati rin ang walang-kamatayang Spaceballs.  Isang araw, naghiram ako ng isang balang may pamagat na…Caligula.  G r a b e !!!  As in wow na wow namumulat na nga ako sa saksakan ng lampungan roon…di lang ang lalake sa babae, pero babae sa babae at pati lalake sa lalake (parang sakristan si Alexander the Great sa ka-elan ni Caligula) . 

Of course naman, dahil uso noon ang mga campus-based sex comedies, napanood rin ako ng mga katulad ng Zapped! at National Lampoon’s Animal House…pero ang di ko makakalimutan ko ang pelikulang The Breakfast Club.   Napaaliw ako naman roon sa pagtatakbo ng istoryang nito – tungkol sa pag-iinteract ng mga iba’t ibang karakter sa iisang lugar – na hindi kailangan ang magarbong FX at kung anu-anong de-CGI na tsetseburetse.  Doon rin unang napapanood ko rin ang mga obra ng Amerikanong direktor na si Quentin Tarantino, na siyang nag-inspire sa aking ginagamitang palayaw – ang Pulp Fiction at Reservoir Dogs.    

Sa larangan ng anime, napatuto rin ako di lang gumuhit na mabuti nang dahil sa anime, nakatuto rin ako bumasa ng mga titik na Hapon.  Naalaala ko noong unang pinalabas ang Mazinger Z, Grendaizer, Voltes V at Daimos pati nga ang Star Rangers (Gorenger – ang pinakaunang sentai sa Japan at pinakamatagal) – Ingles pa! – sa GMA-7 at KBS-9. Kahit na inilipol ni Macoy mga anime na yan dahil daw sa kabayulentehan, malalim ang naging dating nila sa nagmumurang isipan ko.  Biglang lumawak ang pagpapahilig ko naman nang unang napanood ko sa sinehan ang Space Cruiser Yamato at sa Betamax (di pa uso ang dibidi-dibidi-dibidi-eks pa noon) naman ang  Galaxy Express 999 na parehong linikha ng sikat ng animator na si Leiji Matsumoto (siya rin ang lumikha sa ilan sa mga bidyo ng bandang Pranses ang Daft Punk – nag collaborate pa sila para sa isang pelikula, Intastella 5555) . 

 Kung gusto mo naman malaman kung ano mga paborito ko sa ngayon sa larangan ng sine, musika, TV, anime at pati sa gaming, puwede kayo bisitahin ang kabilang blog ko rito

Isang Tugon tungo sa “Ika-unang hakbang ng isang dayuhang kayumanggi…”

  1. Si Mr WordPress ay nagsabing:

    Hi, this is a comment.
    To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.


Mag-iwan ng Tugon