Ay, umaandar na naman ang pagka-pasaway ko…

Noong linggo, bumalak akong ibahin ang profile “about me” kuno sa blog nito.   Gusto kong ipagaya sa “40 Questions” na ipina-uso ni Mo Twister sa show niyang pang-umaga sa Magic 89.9 (kahit na nga nangako na nga ako na hindi ako makikinig sa radyo noong nadiskubre ko ang hiwaga ng Limewire isang taon na nga lumipas).  Pagkatapos ko ng isang sagot…ay, natamaan ako ng katamaran.  Kaya nga di ko na tinuloy.

Balak ko rin baguhin rin ang mga backgrounds ko sa MySpace layout ko…may pinatapos ko mga artworks sa CorelDraw na ipagawang JPEG imahe para sa base ng aking MySpace.  Malapit na akong magtatatlong taon na gumagamit ng MySpace…mas una ako gumamit ng Friendster pero nang pumasok mga bata, nawawala na nga ako ng gana makikipagkaibigan sa karamihan nila….pero na nga, nananatili pa rin ang site ko rito.     

Sa totoo lang…di ako bumoto kahapon.  Kahit na nga napansin ko nga ngayon nangunguna ang mga kandidiatong GO (Genuine Opposition – kuno) … sa tingin ko pareho nga lang sila sa TU (Team Unity-mga kaalyado ni GMA).  Pawang mga “trapo” lahat sila,  mabuti lang sa pagbibigkas ng salitang tinuturing mga “motherhood statements” at pangakong palaging di natutupad.   Medyo rin nadismaya na nga sa “Ang Kapatiran” dahil ang tindig nila sa reproductive health ay walang kaibahan sa kasalukuyang administrasyon.

Pero nga, mabuti mga Pinoy ngayon , di na sila napakadaling madala sa kasikatan ng mga kakaunting artistang nagsitakbuhan sa katatapos ng eleksyon.   Eh sa pinaka-latest ng counts,  lumalamang sina “Goma” (Richard Gomez)  at si Cesar Montano sa senatorial race….ok naman ang pagpapapanalo ni Vilma Santos sa pagkagubernador ng Batangas dahil pinapatunayan niya sa pagtatakbo niya sa lungsod ng Lipa.   

Kaninang umaga lang, nag-mini anime marathon ako sa bahay….hiniram ng pamangkin ko ang balang “Eureka 7″ at “SpeedGrapher”, kaya nga napanood ko ang “Turn A Gundam”, “Paradise Kiss”, “The Galaxy Railways” at “Gankutsuou” (na mas kilala sa pamagat ng “Count of Monte Cristo” na itinagalog para sa Hero TV).  Honga, habang pinapanood ko ang nga anime (sa salitoang Hapon with English subtitles na kadalasan barok-barok dahil pawang mga Tsekwa sumasalin – lalo na sa “Turn A Gundam”), minsan pinasasabay kong isalin ang English subtitles sa Tagalog para kunwari dubber epek.   Medyo nahahangaan ako sa artwork sa “Paradise Kiss” at “Gankutsuou”…sa ikalawa,  na-iimpress ako sa pagsasalin nila ang kulturang Pranses sa buwan (hinango ang “Gankutusou” sa obra maestra ni Alexandre Dumas).   Sa “Galaxy Railways”,  kung palaging sinubaybayan mo ang mga ibang anime na linikha ni Leiji Matsumoto katulad ng  “Captain Harlock”,  “Galaxy Express 999″ at pati nga ang “Space Cruiser Yamato”, maraming kang mapapansin na katularan rito.  Kahit ilang mga eksena napagamit nga CGI ng mga modelo, napaka-seamless ang pag-iintegrate ng classic animation style.  Pati musika, maramdaman mo na pinapaguran na nga dahil de-orchestra na nga di katulad ng karamihan na puro J-pop o techno.   

Ang buhay nito naman…..kailangan ako makahanap uli ng trabaho!!!!

Mag-iwan ng Tugon