Cool ka lang kayo, ‘tsong….

Alam mo, matagal ako naging fan ng top-rated TV series sa US na “Desperate Housewives”, kaya nga noong ipinabalita na ang Studio 23 rito ay papalabasin ang ika-apat na season ng ilang linggong agwat pagkatapos pag-labas sa ‘Tate,  parang napatalon na nga ang puso ko sa pagsusubaybay ng mga taga-Wisteria Lane. 

Puwera nga, napabigla rin ako sa paghayag na may masamang sinabi ang isa sa mga lead characters  roon na si Susan Mayer (na pinaganap ni Teri Hatcher)  tungkol sa mga medikong taga-’Pinas.   Bilang isang kapuwa-Pilipino, medyo na-dismaya ako sa contexto na panananlita, na kunwari’y minamaliit nga ang kakayahan ng mga medical schools rito.      

Teri Hatcher - nude!!!  

Base sa report ng Yahoo! News tungkol rito, ito ang naging dialogue ni Susan sa kanyang ob-gyne. 

Gynecologist: Listen, Susan, I know for a lot of women the word `menopause’” has negative connotations. You hear `aging,’ `brittle bones,’ `loss of sexual desire

Susan: OK, before we go any further, can I check these diplomas? Just to make sure they aren’t, like, from some med school in the Philippines?

Sa totoo lang, lalo akong na-tu-turnoff ako sa biglang pagsasakay ng mga pulitiko sa isyung iyan.   Aba, aber, saan naman sila kapag me kapuwa-Pilipina na minamaltrato sa mga malalayuang bansa katulad ng Kuwait o Nigeria?  Sa pagpasok nila at ang pagpalawak ng isyung iyon, karapat-dapat tignan ang sarili natin sa salamin at suriin ang totoong contexto ng pananalita ni “Susan”.  Dapat huwag tayo maghuhusga ng isang tao base sa karakter pinagagampanan niya sa isang TV show; ang papel naman ni Susan roon ay isang palaging palpak at sawi, maski sa pag-ibig man o kahit anu’t anong pinaplano niya.  Iba naman kung ang salita’y katulad ng ipinahayag ni Clare Danes sa ilang magasin ilang taong lumipas tungkol sa pag-shooting nila ng “Brokedown Palace” sa Pilipinas, nagsasalita siya bilang totoong tao at di bilang isang karakter sa pelikula. 

Sa totoo lang, dapat huwag tayong ganyang ka-pikon…hindi pangkaraniwan na ipa-mention ang Pilipinas sa isang TV show – lalo nga isang top-rater katulad ng Desperate Housewives (sa 2nd season, ang Fil-Am na actor na si Alec Mapa gumanap roon bilang isang baklitang assistant kay Gabrielle Solis).   Kung sa bagay, di ba dapat magreklamo rin mga Bumbay sa mga ila’t ilang jokes ni Jay Leno at Conan O’Brien tungkol sa mga PC tech-support lines na kadalasan ino-outsource sa India?        

Puwera nga, ka-i-issue lang ang ABC Studios na isang pahayag na pagpahinging-tawad nila sa mga Pilipinong manonood man o hindi tungkol sa linyang iyan.  

Sa kabilang bakod naman, na-mention ang Pilipinas sa isang bagong kanta ni Britney Spears mula sa susunod niyang CD na pina-leak sa Internet.   ’Yung kantang iyan, na pinamagatang “(Everyone Wants A) Piece of Me” ay bumbanat mismo sa mga paparazzi na matagal na sumusunod sa kanyang mistulang mga asong gutom.  Doon ang sinasabi niya magandang magtago rito para umiwas sa silaw ng mga camera. 

Mag-iwan ng Tugon