Nakakasawa…nakakaawa…nakakainis!!!!

Trillanes, Lim, Guingona et. al.

Nang pauwi ako sa bahay noong Huwebes, nabigla na nga ako sa balita na napanood ko sa ANC tungkol sa katarantaduhang ginawa ni Sen. Antonio Trillanes, Gen. Danny Lim & dating bise-presidenteng Teofisto Guingona (Balak ko sana tuluyan ang panonood ko ng Ugly Betty Season 1 sa Star World). 

http://sundalo.bravehost.com/

Pinapaulit ang kanyang hiling na sana bumaba sa pakapangulo si Pres. Arroyo. O ayan, sumagot si Pangulo - linusob ang lobby ng Manila Peninsula ng isang APC.  Akala ko isang Jerry Bruckheimer production sa pagpapasok ng militar - mistulang SWAT o Miami Vice.  Kulang na lang si Colin Farrell.   

Kita mo nga di lang nakikipagsawsaw si Archbishop Oscar Cruz at si Bishop Labayin…a este, Labayen,  aba e sumulpot pa ang Fr. Robert Reyes!  Ang akala ko nagtuturo na lang siya ng Ingles sa mga kabataan sa Tsina,  umapir ang kanyang byuti na mistulang kabuteng inuulanan.     

Bagong magdilim naman, napatapos na ng lahat, mga bida’y isa’t isang pinapasok sa police van, pati mga TV reporters na umulat tungkol sa kabalbalan ni “Senator”  Trillanes (na dapat paluan sa puwet ni Sen. Miriam Defensor-Santiago).  Eh mabuti na doon nga maraming mga taga-media, sila mismo ang nagiging sagabal  sa paghuhuli kay “Triller” ng puwersang AFP .  Sana naman kung sinong mga ilang-ilyong tanga na bumoto kay “Triller” bakit maski isa sa inyo nakikipagtulong sa idolo ninyo noong nahahalata na di na siya makakagalaw kung walang mga “human shield” sa paligid niya?    

Sa susunod ng araw, bilang paggunita ng National Heroes Day, dapat magkikilusan na mga ang mga iba’t ibang anti-Arroyo na ek-ek brigades.  Puwera nga, ‘yung mga ringleader rito, wala isa sa kanila nagsirating…yung mga tatlong duwag na de-sutana pa, palibhasa’t wala ang sundalo nilang fafa, tinamad na nga!

Noong pumasok ako ng Huwebes na gabi (buti na nga, ligtas sa curfew), nagusap kami mga ka-opisina ko tungkol sa nangyari noong araw na iyon…o ayun, naiintidihan ko na kung gaanong kalakas ang sigaw mo laban sa kasalukuyang administrasyon, di gaanong kadali matumba si GMA.  Pandak naman siya, isang Assumptionista, pero mautak talaga siya…parang si dating pangulong Ramos (marami daw simisitsit na si Ramos ang totoong kagagalingan ng lakas ni GMA) .  Di mo madaling paikutin o pabilugin ang ulo (eh matagal kasi bilog e).  Alam ni GMA na watak-watak na ang oposisyon, suko na nga si Erap (dahil sa sobrang inom ng alak at pag-se-sex)…walang maituturing matinong puwedeng ipalit sa kaniya kahit sukang-suka na ang mamamayan sa kanya.

Eh pati rin ako…kaya nga di na ako sumisimba.  Ang suspetsa ko kayraming mga pari ngayon sa Simbahang Katoliko, me ambisyong mamumulitika.  Eh kundi mga taga-CBCP noon panahon ni Cardinal Sin (SLN) na lumuklok kay Pangulong Arroyo,  me mga ilan rin ngayon na sumasawsaw sa mga rally’t kilos-protesta na kapit-bisig nila mga komunista pa (Kawawa naman ang kaluluwa ni pareng Karl Marx) at mga Erap loyalists!     

 Eh aber…balik sa programang palaging kong sinubaybay….

5 Responses to “Nakakasawa…nakakaawa…nakakainis!!!!”

  1. eNocH Says:

    nood ka na lang ng ugly betty! aliw pa si marc at amanda! anong epi ka na? napanood mo na ba yung milkshake moment ni amanda? sobrang aliw! hehe!

  2. quintintarantado Says:

    Catch-up ep sa Star World (me ilang epi namiss ko bec of my work sked).

    Nakaabot ko na ang 1st 2 eps ng season 2 sa Studio 23. Sayang d ko naabot ang “milkshake” moment ni Amanda…to think I’m sooo in love with Becki Newton!!!

    Are you following it sa Studio 23 rin? Did the air Wilhelmina’s wedding epi w/ Victoria Beckham’s guest appearance?

    …still feeling symptoms of Amanda withdrawal…gotta need my Amanda fix…

  3. eNocH Says:

    wala ako sa pinas! ;) im downloading the epi through torrent! di na ako magkkwento,spoiler eh! basta yung milkshake moment ni amanda nung wedding day ni bradford at wilhemina! hehe!

  4. flyingcarabao Says:

    Hindi bali kung di mo napanood ang Ugly Betty at least na laman mo naman na may long pants rin pala si running priest. Baka tumakbo siya mula sa china nang na balitaan niya na may happening naman si trillanes. Talagang mahirap tumbahin si GMA kasi pandak. Parang volkswagen siya — maliit at mababa kaya mahirap bumaliktad .

  5. Fau Rafili Says:

    pulitika nga naman tsk. tsk!

Leave a Reply