Pinoy….pang Asian ba o pang African-American

Sharon Leal back during her

Kanina lang kababasa ko na ang co-star sa pelikulang “Dreamgirls” na sa Sharon Leal, gumanap rin siya sa 2 ring pelikula pagkatapos roon na pawang mga African-American mga cast.  E, di ba, noon pinalabas ang “Dreamgirls” rito kinaguguluhan si Ms. Leal dahil sa me halong siyang Pinoy na dugo. 

‘Di lang ito pangkaraniwan…ilang beses narinig ko sa ibang mga posts na ang musikero na si Prince at pati ang rapper na si Ja Rule, me halong Noypi sa dugo.  Baka – lalo nga kina Prince - iyan ang dahilan ng kanilang pagkahusay. 

Minsan iniisipan mo ba ang tingin ng mga Pinoy-American sa mga casting agents sa Hollywood.  Malamang di kami mamadaling mapagkamaliang typical na “Asian” na tinuturing pawang mga Intsik’t Koreano sa US (sa Inglatera naman, ang tinuturing doon mga “Asian” ay ang mga East Indians). 

‘Di madaling ma-i-pigeonhole mga Pinoy sa mga roles na isang nerdy-nerdy na singkit katulad na pinoportray ni John Cho.  

Madalas ko lang nakatagpo mga Fil-Ams na mahilig sa mga katulad ng baseball (kahit mayroon kaming kababayan na si Benny Agbayani na dati lumaro para sa NY Mets at ngayon na sa isang team sa Japan), country music at NASCAR racing.  Baka ang isa sa mga dahilan roon ay parehong hilig ng mga Itim’t Pinoy sa basketball at hip hop.

Kaya nga, karamihan mga pop station dito sa Metro Manila, puro R&B at hip hop ang tinutugtog nila.  E, matagal na kuha ang American R&B sa pagpaalab  ng pusong Pinoy.  Swak na swak masasabi mo.  

Pero di mo maiiwas na pati minsan me mga ugaling na napupulot rin na di ko gaanong nagustuhan - katulad ng pagiging masyadong maluho lalo nga sa pag-aabubot.  Kung marami ka makikita mga rappers mahilig yabangin mga “bling” nila pati mga “rims” ng kanilang kotse, ikinalulungkot ko na pati yan minamana natin sa kanila – lalo nga sa kabataan. 

Eh sana huwag tayo masyadong lumayo sa mga ugaling na naging dahilan ng mga tagumpay ng kapuwang bansa natin sa Asya.  Di naman masama ang pagiging makaaral at palaging honor student (lalo nga pagdating sa math at siyensya).  Maganda ng kung ang pagiging pagpalikha natin sa larangan ng sining ay dapat husayin,  palaguin naman at huwag nating laitin palibhasa “hip-hop” man o kahit sa kadamitan. 

Sa totoo lang, sa ilalim ng kayabangan ng “hip-hop” nakasaad roon ang kahirapan na dinatnan ng aming kapatid na African-American lalo nga noong labing-siyam na siglo…at pati nga ngayon sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos na kung umiiral mga makikitid na utak.

  

Mag-iwan ng Tugon