Walang tikoy para sa iyo, Mr. Apostol!!!

Nakakalungkot naman ako sa banat ng Presidential Legal Adviser (sa madaling salita: aw-aw!!!)  na si Sergio Apostol na si Rodolfo Neri “Jun” Imperial Lozada ay isang “probinsyanong Intsik“.   Alam mo, maski man katatapos lang ang Lunar New Year at magsisimula na ang Year of The Rat, talagang lalong ako bumababa ang tingin ko sa administrasyong nito sa pananalita ng mga utats ni GMA.

Nabasa ko yung sinulat sa Inquirer tungkol sa sagot ni Lozada at masasabi ko na siya ay isang tunay na Pilipino.  Sa totoo lang, mas “Pinoy” siya kung maihahambing sa mga katulad ng mga higoperang mestisang-bangus katulad ni C.P.E. (di ba matagal na balita na hiwalay sila ni J.P.E.???) na atat na atat siya sa puwesto bilang Ambassador sa Vatican.

Ang mga magulang ni Jun Lozada ay masasabing isang kuwento ng tagumpay na binase sa pageentreprenor, di sa pagyayaman sa puwesto.  Masasabi naman na napahawa lang si Jun sa kanilang work ethic.   Sana dadami mga katulad niya lalo nga sa gobyerno…baka, sa katagalan, titino na ang pananakbo rito. 

Leave a Reply