Kagabi, nakita ko sa news na nag-duet ang kalahati ng sikat na duo na “The Carpenters” na si Richard Carpenter (siya ang manunulat at keyboardist roon sa mga walang-kamatayang kanta nila) kay President Arroyo sa Malakanyang. Iyan habang nagsisiayos na nga mga iba’t ibang puwersang kontra-administrasyon sa mga iba’t ibang lugar sa Metro Manila para magtulak sa pagbabagsak sa kabulukang sistema.Minsan iniisip ko kung saan nila kinuha ang pera nito para ipaimbita isang international na musikero para lang paligayahin si PGMA ngayong Araw ng Puso. Sa paging bale-wala na milyung-milyon mga Pinoy ay gumugutom araw-araw, lalo na nga dahil sa pagkawala ng trabaho at milyon pa ay pinipilitang magtrabaho bilang katulong sa ibang bansa, naging mistulang si Nero si PGMA. Sa mga nagsiaral ng kasaysayan ng Ancient Rome, mayroong isang alamat na itong emperador ay tumutugtog ng lira (hindi biyolin, dahil di pa linikha ang instrumentong iyan noong araw) habang nasusunog ang Roma. Sa totoo lang, kagagaling ako sa panonood ng pelikulang “Juno” na sa isang eksena, itinutugtog rin ang version ng bandang Sonic Youth ng kantang “Superstar” na sinulat ni Richard Carpenter.Noong gabi naman iyan, nang narinig ko, parang ang unang dumaan sa isipan ko ay kunin ko lahat ng mga plaka, cassette at pati CD na may kanta ng The Carpenters at sirain ko lahat. Wawasakin ko at sunugin ko katulad na ginawa noong 1979 sa isang baseball field sa Chicago na kung maraming mga “disco” na plaka ay pinakain sa apoy. Sa totoo lang, kay daming-dami mga love songs roon sa panahong nito…di lang ang Carpenters ang puwedeng ipinagpilian.


