Tough Hits ‘08 presents…Da Bitols

 O ayan…pahinga lang muna sa masyadong pagmumuni-muni sa ZTE ka-ekekan, balikan natin ang katatawan ng tropang Tito, Vic & Joey (bago naging senador si Tito).  Noong kabataan, naasahan ko paminsan-minsan ang “Tough Hits” na kadalasan pina-interpret nila di lang mga sikat na kantang lokal, pati mga international na hits, ini-ispoof nila.

 

Ako ang Walrus

(Isang sariling pagsasalin sa Tagalog ng kantang “I Am The Walrus” ng The Beatles, isinulat ni John Lennon & Paul McCartney) 

Ako’y ikaw at siya’t ika’y ako at lahat tayo nandirito
Kita mo’y tumakbo parang parak na binaril, lumilipad
Napaiyak nga ako

Nag-uupo sa isang tuyong butil ng mais, hinihintay ang sundo ko
De-kompanyang kamiseta, martes na kagagu’t-gago
Napakasutil kang bata, pinahaba ang nguso mo
Ako ang taong itlog, sila ang taong itlog,
Ako’y ang walrus, kukurukoo….

Pulis patolang umuupo
Mga pigoy nangangahilera
Lumilipad sila katulad ng misis ni Goma, masdan sila tumatakbo
Nangingiyak ako…

Nanginigyaaaaaa-aaak, nangingiyak….

Leche flan na tumutulo mula sa mata ng isang patay na aso
Usiserang palengkera, babaylang bold star
Napakamaldita ka, laglag na ang panty mo
Ako ang taong itlog, sila ang taong itlog,
Ako’y ang walrus, kukurukoo….

(pasok sound effects)

Nangungupo sa halaman sa Inglatera, inaabangan ko ang araw
Kundi baka mangingitim ka sa pagbababad ka sa ulan roon
Ako ang taong itlog, sila ang taong itlog,
Ako’y ang walrus, kukurukoo….

Kitikitext sunog-bagang nangungubo
Di mo alam tinawanan ka ni Joker Arroyo
Ngumingiti sila parang mga biik sa babuyan
Ngumingisi pa
Nangingiyak ako…

Pinaarinang dilis, inaakyat ng Toreng Eiffel
Happy Feet dina-dub sa salitang bumbay
Tignan mo sila habang sinisipa si FPJ
Ako ang taong itlog, sila mga taong itlog,
Ako’y ang walrus, kukurukoo….

(pasok mga iba’t ibang ingay na kinuha sa isang kalsada habang rush hour – trapik, mga jeepney na bumubusina’t tumutunog sa Love Radio, atbp.)

Uy, huwag mo ako basta batuhin, ha….matagal kong hinahangaan ang Beatles bilang isang sikat na banda, peace lang kung me masasabi binababoy ko ang likha nila.   



Isang Tugon tungo sa “Tough Hits ‘08 presents…Da Bitols”

  1. Si charlbert ay nagsabing:

    i am the walrus… goo gogogoju… hehhehe


Mag-iwan ng Tugon