Kung masasabi mo talaga, pagdating ng Holy Week, matagal kong gusto makikisabay sa taun-taong paglalakbay sa beach. Puwero na nga, pagdating ng pagkakataon, palagi ako kapos sa pera. Sa totoo lang, kadalasan wala akong trabaho at naghahanap pa nga ako.
Sa totoo lang, nakatikim ako mag-beach pag Holy Week…isang beses lang, at sa Puerto Galera pa nga. Wala naman kaplanong-plano…pero na nga, ok naman kahit napatulog ako sa ilalim ng mga tala. Mistulang ako isang iskuwater na nga sa beach, nag-iisa pa nga ako, sinundan ko isang matagal na friend ko na may kasabay siyang banda na tumugtog sila sa isang festival roon. Ang saya na nga…isang araw na nga, me na-meet akong babae na naka-two piece na kasama ng kanyang BFF (no, hindi BF kundi best friend forever). Linibre ko itong babae (balikbayan na laking-OC pala) ng isang mango shake sa Arcobaleno (isang juice bar noon sa White Beach ng Puerto Galera).
Doon rin napatuto ako mag-juts. Totoo nga…pero sa dahilang di ako sanay manigarilyo, medyo di ko na-feel ang tama roon.
Masaya na nga, sa totoo lang…ang ikinahihinayang ko nga ay kung bakit di ako nakabitbit ng camera roon (di pa uso ang camphone noon). Okay naman sa totoo lang mga naging kasabay natin…mas una ako umuwi dahil me bagong akong pinasukan. Doon mismo sa napasukan ko, nabigla na nga, nandoon pala yung nakilala ko sa White Beach. Mayroon siyang real estate project na binebenta niya, membership shares sa golf club na inaarian ng isang friend niyang anak-militar.
Minsan, itong mga alaala ay masarap balik-balikan…habang inaabangan ko ang muling pagtatapak ko sa buhangin ng isang dalampasigan. Kadalasan, gusto ko talagang daanan at tikman ang sarap ng buhay-Boracay. Isang friend ko na nga, tinawag niyang bagong bahay roon…tubong at laking-Maynila siya pero ilang taon na nga naka-base sa Bora dahil mayroon siyang mina-manage ang outlet roon ng Surf World.
Pero nga, minsan pinagiisipan ko na baka tumaas na nga ang halaga ang pagpapaupa ng cottage roon, kaya nga napasok na nga ako sa iba’t-ibang lugar sa Pinas na di masyadong dumog na jologs na walang inaatupagan kundi magha-hanting ng mga bebot na puti’t naka-bikini pa.
Para sa akin, mukhang okay naman ang Pagudpud…di naman masyadong kalayuan, at mukhang katamtaman pa ang presyo ng mga rental roon. Ok rin sa akin ang Siargao…di lang ang beach ang puwedeng habulin rito, pati rin ang pagkakaktaon na mag-tuto mag-surfing.
Habang umaasa pa rin ako sa pangarap, ayyy naku, titiisin ko na nga is pa rin Holy Week na puro pasok-labas sa simbahan. Sunod na lang na sunod kay Mommy, sa kanyang payo na huwag masyadong magpapasarap sa Semana Santa, lalo nga pag Biyernes Santo, dapat aalahanin ang pagkamatay ni Hesukristo sa krus.
At bakit…para ilan pwede mag-kodakan at magsilasingan sa Bora o kahit sa Phuket o Bali??
Mahirap na nga ang buhay na isang umaasa naman sa asa, hanggang ngayon, di pa makahanap ng trabaho na makatagal na nga.


