Noong May 20, pumanaw si Crispin “Ka Bel” Beltran, isang tinuturing “progresibo” na parliamentarista nang dahil habang umakyat siya sa kanyang bubong para ayusin nito, aba natapilok si lolo….ayun, kinuha na siya ni Lord…oops, si Lenin (sa ideolohiyang Komunismo, wala silang tinuturing relihiyon o konsepto ng “God” pero dumadaming mga pari na sumusuporta sa mga kilos-himagsikan nila)
Aba…siguradong sigurado, di siya matatangap sa langit, dahil tutol ang ilang mga obispo sa Simbahang Katoliko na magpapamisa ang pari nila para sa kanya. Eh ang problema kapag papasok siya sa impiyerno, baka kakalasin pa niya mga demonyo para humagsik laban kay Satanas mismo.
Mag-ingat sa mga medyong maselang bituka – me mga eksena sa mga bidyong nito ma marahas at madugo.
Nandito malalaman mo ilang dahilan kung bakit umaangkat na nga kami ng bigas mula sa mga kapitbahay natin sa Asean, habang linilipas kami at iniiwasan ng mga foreign investors sa rehiyon. Kita mo kung karamihan mga magsasaka, imbes na tumanim ng bigas para di sila mapauwi sa gutom, pinipilitan silang gumamit ng itak’t AK-47 para pumatay ng kapuwa-tao.
Sa larangan ng industriya, mga investors ay dapat tumatayo ng mga pabrika para makatrabaho mga ka-milyung-milyon ng mga Pilipino; pero nangdahil sa pagpapapsok at pagsasakop ng mga unyon ng mga kutong Pula, mas naging praktikal sa mga investor na lumipat sa Thailand, Indonesia at pati Vietnam (na dating sinakop ng Komunista)
Kung masasabi palaganap ang paglalabag sa human rights noong panahon ni Macoy, aba, walang sabi ito sa anu’t anong mangyayari sa ating bansa pag natuloy ang maitim na balak ng mga ito. Di lang mawawala na ang mga kalayaang nating manulat sa blog at mag-post ng mga bidyo sa YouTube (mangyayari pa nga, baka ibabawal na nga ang pag-aaccess roon). Kung mayroon mga gustong magpakita ng tapang, aba ayun… makarating ka sa mga “kangaroo court” na pati ng mga kababawan katulad sa pagtatalik o paglalampung sa mga kasamahan mo, magagamit pa nila laban sa iyo pa.
Sa totoo lang, walang kaibahan itong Joma at mga katropa niya sa mga buwitre’s buwaya na nakakaupo sa kasalukuyang administrasyon. Pareho silang mahilig magpapapasarap ng buhay habang gumugutom mga tauhan nila sa kabundukan…mabuti na nga si Joma pa, me ka-partner na blondie pa (0:05) sa sayaw! Eh pati ang kapapanaw na si Beltran, aba, me anak pa siya sa labas!!! Kaya nga dumalaw si Erap sa libing niya…para magpabigay ng respeto sa isang kapuwang-barako katulad niya (hahah!!!)
Dito nga makikita rin ng paraanan kung paano nagpapabango ng dating ang mga alipores ng Pula. Kunwari’y sumigaw sila ng “nasyonalismo” at nagpapasuot pa sila ng mamahaling damit at kurbata para yumapak sa Batasang Pambansa (eh, sa 2:56, sinong gumawa ng suit mo? Parang mamahalin iyan…aba, ayaw ni Pareng Marx na iyan!!!)
Di ba, iyan ang balak nila, gamitin mga salita’t baliktarin ang kahulugan mismo nito. Iyan ang kabulukang tinuturing na “doublespeak” na naging uso noong ikaunang bahagi ng dekadang setenta sa EU noong nakaupo si Richard Nixon sa White House
O ayun, gusto mo mauwi ang mahal na bansa natin sa ganito ba??



Hunyo 12, 2008 bandang 7:12 umaga
Wait. Im outta this.
San ka ba talaga? am.. dito? dami mo pala pinaggalingang blog.