Kung sino ka man, saludo kita….

Sa ngayon, mag-iisang buwan na ako sa floor para sa isang call center sa may Makati. Sa may Fort na nga mismo.

Ang kasalukuyang account ko ay para sa isang food delivery chain sa US. Napakadali iyan…di masyado madugo sa mga iba’t ibang metrics. Pero naman, medyo kailangan ka mabilis magkuha ng tawag at ma-idispose niyan. Ang tinuturing matatanggap na average handling time rito ay 1-1.5 minuto lang.

Pero mas mabuti naman rito kaysa mga ibang nga accounts na nakapadpad ako na gaanong ka-hirap ang mga accounts, lalo nga sa mortgage at telecoms. Ang dadaming mga windows na dapat ibuksan, nakaka-nosebleed pa ang kaalaman na kailangan mo ma-isaulo. Dito naman, pagkatapos ng ilang linggong paulit-ulit na pag-dedeliver ng mga spiel at mga presyo ng produkto, halos naisasaulo ko na nga.

Sa totoo lang, minsan me nababangaan ako na mga onaks na medyong tarantado’t racist na nga, pero ang pampabuwenas na nga ay kung tinatanong ka nga kung saan kayo galing. Me isang beses na sinabi ko na taga-Pilipinas na nga ako, laking-tuwa ang Kanong nakausap ko na nga. Tinanong ko niya pa ako kung anong oras na nga roon…sabi ko mag-uumaga na nga, ang sagot niya – “Magandang Umaga!!!”

Para ko manonose-bleed na nga ako sa tuwa roon. Di katulad ng mga iba na minsan nagbibintang na ayaw nila sa mga katulad namin (at pati rim mga Bumbay) dahil napupunta sa amin (at sa kanila pa) ang mga trabaho na dapat ginagampanan ng mga onaks.

Pero…kung minamabuti na nga ang serbisyong ginagampanan ko, anong magagawa nila? I’m just doing my job here, sa wika nila e.

Para sa lahat ng taga-call center na tumanggap na tawag at pinasasalamatan ng mga customer mo (maski Kano, Briton o Australyano) sa wikang Tagalog, tumayo kayo’t taasin ang noo ninyo.

Saludo ako sa inyong lahat….

Isang Tugon tungo sa “Kung sino ka man, saludo kita….”

  1. Si andrewPelago ay nagsabing:

    Ayos yun ah…
    COOL! =)


Mag-iwan ng Tugon