“3 Hari”…Erap at 1:36, FPJ at 1:47!!!!
Naka-headline ngayon sa Phil. Daily Inquirer:
ESTRADA: I CAN RUN AGAIN FOR PRESIDENT
nina Christian V. Esguerra & Fe B. Zamora
MANILA, Philippines—Saying the people, not the courts, are the “final arbiter” on whether he could run again for president, Joseph Estrada has come out brandishing a “legal study” supporting his view that voters may send him back to Malacañang.
Quoting the study, the deposed leader maintained that the constitutional ban on the reelection of chief executives applied to “sitting presidents” and not to a former president like him who wasn’t even able to finish his term.
“The ban was intended for sitting presidents, so they will not use the vast resources to stay in power. I am not a sitting president. I am not seeking reelection, I am running again,” Estrada told the Philippine Daily Inquirer Monday.
Aber? Pero sa pagbabalak niyang tumakbo uli, “he is seeking reelection”, di ba? Parang hanggang ngayon bano pa rin si Erap sa pag-iingles. Pero na nga, maaring siya na nga ang tagapagkaisa sa minimistulang watak-watak na Oposisyon pagdating sa 2010.
Eh, kundi di gaanong ka-tanga si GMA at ang mga tauhan niya, sana di sana malalaya ang hinayupak na iyan para maghasik uli ng kalagiman sa Pilipinas. Sa totoo lang, pag matalo man si GMA sa 2010, masasabi na nga na siya mismo ang taga-hukay ng sariling niyang burol sa pagbibigay ng presidential pardon kina Erap.
Kahit man lang, di ba tayo natuntunan sa masyado tayo nangangasa sa mga artista bilang tagapagligtas sa sawi dala ng mga “trapos”. Eh, di mo maalis ang ugaling show-biz sa kanila, kaya nga, ipapadaan nila sa “pogi points” mga bawat galaw nila.
Di pa ba rin natuntunan rin ang napapala sa atin noong inihalal natin si Erap bilang pangulo ng ating bansa? Di ba nakasanay sa palaging paglalait sa pagiging lasenggero at babaero si Erap, isip-barumbado kahit nasa loob ng Malacanang?
Aber, pwede rin tayo mag-file ng electoral protest roon o ipagpala natin amg muling pagbabalik ni “Asiong Salonga” sa larangan ng pulitikang Pinoy. Sa muli paguupo niya, ang unang niyang hakbang ay ang pagkukulong ni President Arroyo at ang buong pamilya niya, pati ang matandang ulupong na si Norberto Gonzales.
Sunod, ipapagawang tax-free ang pag-iimport ng alak & yosi habang lalong ipapapbuwis ang mga pag-iimport ng libro. Eh bakit di na lang ipa-unlad ang sining pelikula rito imbes na papayagang maging mambabasa sina Juan & Juana dela Cruz? Sa totoo lang, ipa-appoint niya uli si Armida Siguion-Reyna bilang head ng MTRCB…doon lalaganap uli mga hubaran sa sinehan natin.
Sa totoo lang, magbabalik-pelikula siya sa Disyembre kasama si Ai-Ai de las Alas sa isang produksyong na inihanda para sa MMFF.
O Diyos ko, patawarin naman po kami….


