Paalam, Michael Jackson


Bahagi ng YouTube video tungkol sa mga preso ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC)  humahataw sa tugtog na “Thriller” ni Michael Jackson

Maski karamihan sumasabi na parang nawawalan na siya sa bait, maraming umaamin na napakalawak ang impluwensya ni Michael Jackson di lang sa pagiging sikat na R&B/soul star mulang dekadang setenta hanggang ngayon, lalo na nga sa istilong pananayaw at pati na nga sa pananamit.


Kumpletong video…na me “leading lady” pa nga!!!

Noong sumikat ang mga album ni Michael Jackson katulad ng “Off the Wall” at “Thriller”, di na nga napahuli mga Pinoy sa pangagaya sa King of Pop.  Ang yumaong komedyante na si Rene Requiestas ay gumanap bilang si “Michael” sa dalawang pelikulang pinamagatang “Michael and Madonna” kung saan gumanap rin si Manilyn Reynes bilang si “Madonna”; itong mga komedi ay hango sa mga imahen ng 2 na pinasikat nang dahil sa MTV.  Noong bata pa nga si Aga Muhlach, pagkatapos siya pinakilala sa larangan ng sine sa “Bagets”,  pinasikatan siya bilang Pinoy version of Michael Jackson:

Aga Muhlach pumopormang-astig para sa cover ng OST ng pelikulang niyang Campus Beat

Aga Muhlach pumopormang-astig para sa cover ng OST ng pelikulang niyang "Campus Beat"

Poster ng pelikulang Campus Beat

Poster ng pelikulang "Campus Beat"

Ito na nga ang “Campus Beat”, na pina-uso rito niya ang sleeveless na jacket katulad na sinuot ni MJ sa video niyang “Thriller”.  Pero na nga biglang sumikat na si Gary Valenciano – na di lang ang mga steps, kuhang-kuha na, pati itsura halos magkasintulad pa – pinatabi na nga ang paggagaya niya sa kanyang idolo para humabol ng mga mas mature na papel.


Mula sa “Motown 25″, ang kauna-unahang beses na pinakita ni MJ ang kanyang walang-kamatayang “moonwalk” sa harap ng TV camera

Sa paglalabas niya ng kasunod na album pinamagatang “Bad”,  marami na nga biglang napaiba sa kaanyuan ni MJ…sa tingin nila, sinusubukan pampa-astigin ang dating niya para sa pagdating ng bagong dekada.  Pati ang video ng title track nito, kaydaming mga taga-sunod sa kanya napabigla noong hinatak niya ang kanyang kabukulan.   Bigla rin dumami ang nagdududa sa pagkalalaki ni MJ dahil pinaayos niya ang kanyang mukha’t ilong para kunwari’y gayahin ang kanyang best friend na si Elizabeth Taylor.

Lalong lumala na ang mga intriga pagdating ng 90’s noong lumabas ang balita na may ilang bata raw na ginalaw daw niya sa di-karapat-dapat na paraan.  Pati na nga ang dating sikat na child actor na si Macaulay Culkin, napadawit pa sa iskandalong iyan.  Doon rin pinakilala tayo sa Neverland Ranch, ang mala-Disneyland na mansyon ni MJ sa Los Angeles, na ilan sa mga mayordomo rito ay mga Pinoy rin.   Napakita na ang pagiging masyadong malalapit ni MJ sa mga bata ay napadala sa matinong kabataang nawala sa kanya dahil sa sobrang panunulak ng tatay niya na si Joe para sikatin ang Jackson 5 (na doon nagsimula si Michael noong dekada 70’s bilang bunsong lalaki sa tropa) sa larangan ng pop music.


Isa sa mga classics niya “I’ll Be There” mula sa HIStory Tour niya sa Manila

Nasa audience na nga roon sina Sen. Mar Roxas at ang pamilya niya…mabuti naman di niya napa-”Putang Ina” siya sa kagalingan ng King of Pop sa kanyang kaisa-isahang concert sa Manila.    Sa totoo lang, balak siya sana magbalik sa concert scene si MJ sa ikalawang kalahati ng 2009, pero napalipat ang concert dates niya sa London, England.   Sayang na nga…marami na nga dinismaya sa biglang pagkamanaw niya sa isang ospital sa Los Angeles mula sa cardiac arrest.  Nawala na nga sila ng muling – at maaaring pinakahuling – pagkakataon para masdan nila ang magic ng kanyang stage presence.  Iyang mga steps na kahit na kayrami-raming manggagaya pero na nga iisa man lang ang karapat-dapat ipagamin na sa kanya ang kinagagalingan.

Ang kaisa-isahang King of Pop.

MICHAEL JOSEPH JACKSON

1958-2009

4 Tugon tungo sa “Paalam, Michael Jackson”

  1. Si Junice Lopez ay nagsabing:

    wEew life is so short talaga…

  2. Si jason ay nagsabing:

    just beat it just beat it

  3. Si Nino Natividad ay nagsabing:

    Long Live Michael Jackson.

    You may read an article about how influential MJ is: http://ninonatividad.com/2009/06/demand-may-grow-for-jackson-merchandise/

    Nino Natividad


Mag-iwan ng Tugon