Halos taun-taon, nabibisita ang bansa natin ng tiga-anim or pito na bagyo. Kadalasan, dumadalaw sila sa may Hunyo hanggang Setyembre; pwero na nga dahil sa El Nino, minsan pinaagahan sa may Mayo pa or pinatagalan hanggang Disyembre.
Ayon sa Wikipedia, ang pinakamasindak sa mga bagyo na dumating rito sa huling siglo ay ang Uring (na kilala bilang Thelma sa labas ng bansa) noong 1991; sinunod nito ang Rosing (Angela) noong 1995 at Ruping (Mike) noong 1990. Halos makaabot ang death toll rito sa tatlong nito sa sampung libo habang ang halaga ng winasak nila’y lagpas na sa dalawampung bilyong piso.
Ngayon na mismo, binisita tayo ni Ondoy (Ketsana); nang dahil roon, halos buong araw kahapon nabawian ng kuryente; hanggang ngayon wala pa ring TV service (dahil SKYCable ang aming provider rito). Habang naririnig ko ang mga bali-balita at (nang bumalik ang kuryente pagkahapon) sinunod ko mga tweets sa Twitter at pinanood ko pa mga video na pina-upload sa YouTube, naaalala ko nga ang kabataan ko sa may Sampaloc na maituturing isang flood-prone area kahit noon pa. Sa totoo lang, ilang beses na kami pinasukan ng tubig sa aming bahay. Mabuti naman di naman kaming napilitang umakyat sa bubong para iwasan ang tubig-baha. Nang lumipat kami sa may kalapitan ng Commonwealth Ave. sa QC, medyo namahinga kami sa pangamba dahil me kataasan ang lugar, pero ang paglalakbay papuntang trabaho’y minsan naging sinagabalan ng baha habang umuulan, lalo na nga sa intersection ng daanan nito at Elliptical Road.
Sa lugar kong tinitirhan ngayon, bihira rin ang naka-engkuwentro ng seryosong baha, pero na nga kahapon, akala ko’y pati subdivision natin, mapeperwisyo; mabuti rin naman medyo madaling lumaho ang ga-katiting na tubig-baha sa harap ng bahay ko.
Nandito ang ilan sa mga eksena na maituturing mo’y parang may balak na kunin ni Kevin Costner na Maynila bilang location para sa sequel ng pelikulang niyang “Waterworld”
Sa may Eastwood
Pasensya sa hirit ng conyong taga-kuha ng bidyong nito…
West Avenue naman…
Sa may Taft at Vito Cruz, kalapitan ng DLSU
Nang lumaho na ang tubig-baha
…akala mo’y isang higanteng espada’y binaon at dinukot!!!
Original theatrical trailer for Waterworld
Marami na nga natamaan nang dahil sa biglang pagpataas ng tubig, lalo na nga sa may kalapitan ng Pasig at Marikina rivers. Walang nakaligtas rito, bata’t matanda, mayaman man o mahirap.

Cristine Reyes up on a roof
Pinasmandan rin ang kalagayan niya kahit sa Yahoo! News
Sa totoo lang, pagkatapos ng pagpopogi ng mga balak tumakbo para sa 2010 eleksyon, dapat na nga masdan natin kung ano tayo ang ginawa natin para iparating itong situwasyon sa ating lugar. Huwag na natin sisihin ang Diyos, o si Mother Nature na nga…maaaring ginawa ng lahat na paraan mga opisyales natin sa gubyerno, mala-makapogi na o hindi, pero ang dapat bagsakin ang sisi ay ang bawat isa sa atin.
Masdan mo pag di mo tinatapon ang basura sa tamang lugar. Kung kayo mong bulsahin ang mga katiting ng basura lang imbes na itapon na kahit saan-saan, di ka na sanang dinalawan ng sarili mong ebak na pinasok sa loob ng bahay mo sa tubig-baha. Minsan kinaiinisan ko nga talaga pag medyong nahihirapan akong maghanap ng basurahan lalo na nga sa mga upscale na tambayan.
Isa rin kong dapat iparinggan ko sa may balak tumakbo sa 2010; puwede ba ninyo ipadagdag sa plataporma ninyo ang pagbubuo ng isang Disaster Task Force na may kasamang amphibian vehicles, choppers, jetskis, bulldozers atbp.
OP Tomica Hero Rescue Force
Di nga kailangan gaanong ka-hitech, pero na nga dapat maasahan talaga at madaling silang mag-respond lalo na nga paglabas ng babala mula sa PAGASA (wala bang pag-asa ang PAGASA – o hindi ba sila talaga maasahan?).
Sa totoo lang, dapat gawing krimen rin di lang ang squatting mismo pero ang pagpro-protect sa mga squatters. Huwag mo ipadaan sa akin na mga mahihirap na nga sila, wala silang alam atbp…kaya na nga madaling silang mauutuhin ng mga “trapong” pulitiko. Ang parusa nito di lang sa mga squatters pati rin naman ang mga “squatter-coddlers” ay dapat KAMATAYAN. Para sa mga mahilig magtapon ng basura sa pinakamalapit na estero o daluyan ng tubig, dapat sila itali’t i-dunk sa tubig na pinarumihan nila ng sariling ihi, ebak, burnik atbp.



Setyembre 28, 2009 bandang 8:30 umaga
wag naman kamatayan ang parusa tungkol sa squatter-coddlers, siguro ikulong o multahan o paalisin.
pero alam mo, tama ka, its time for us to wake up sa isyung ito. what if, sunod sunod ang bagyo na dumating, ano na mangyayari sa atin?