Siya ba ang sinasabing tagapagligtas mg mundo, isang pulis pangkalawakan… isang superhero na puwedeng arkilahin? O siya nga ba naman ay isang masasabing “International Man of Mystery” katulad ni Austin Powers, na laging pumapadpad sa kahit saan-saang kama kundi siya’y lumalaban sa puwersa ng kasamaan? Maaring oo, maaring hindi…pero parang di-angkop sa imahe ko na naka-maskara o magsuot na bakat na makulay. Dapat pa rin ako pumayat, baka mapagkamalian ako na si Adam West sa Batman noong panahong 1960’s (na may palaging kasabay na “POW!” “WHAM!!!” “SOCK!!!!” habang banat sa mga kalaban)
Pero na nga…nandirito muli ako para ipapamahagi ko ang aking pananaw sa ating kultura, pulitika at pati sa sambayanan bilang isang lumaki noong araw ng Martial Law. Naging saksi rin ako noong unang People Power revolution at nagmartsa pa nga ako papuntang EDSA para magbigay ng suporta sa pagtatalsik kay Ferdinand Marcos…
At sa ngayon, minsan-minsan inaalala ko kung ano man mangyayari kung nagmanatili pa sila. Di naman lang dahil nadismaya ako sa kalabasan ng rehimeng Aquino (at mas lalo na nga sa kasalukuyang administrasyon)…pero nga masasabi man o hindi, ang naging huling pangulo na sa tingin ko ay matino para sa bansa natin ay nagsumakabilangbuhay na. Hindi si FPJ – kundi si Ferdinand Marcos.
Noong kabataan ko, nakatira ako sa may Sampaloc, Manila; doon mismo, nakapagtapos ako ng isang degree na BS Mathematics (Actuarial Science) mula sa University of Santo Tomas. Ilang taon na nakalipas, lumipat kami sa may New Capitol Estate sa may QC, katabi nga Ever Commonwealth at may kalapitan naman sa may Batasang Pambansa. Pagkatapos pa ng tatlong taon, lumipat muli kami sa aming pangkasulukuyang tirahan sa may San Pedro, Laguna.
Dito rin sa blog nito makikita mo ang pang-araw araw ng kilos’t buhay ko. Minsan may katuwaan, minsan may kababawan…minsan may kalungkutan (parang pangkaraniwang teleserye kuno). Kahit paano, mayroon akong papasukin ng mga regular na features rito para matuwa naman lahat kayo.
O ayun…tuloy na at sumunod kayo sa paglalakbay ko….



Pebrero 27, 2008 bandang 12:07 hapon
Have a nice day !
Abril 2, 2008 bandang 6:46 hapon
dayuhang kayumanggi — ipagmalaki natin ang ating lahi. mabuhay ka. at welkam sa WPP!
Disyembre 16, 2008 bandang 8:04 umaga
pede po ba ipakita ang image ng mga sinaunang pilipino
Disyembre 16, 2008 bandang 8:05 umaga
pwede po ba ipakita ang image ng mga sinaunang pilipino?